Sunday, May 31, 2009
Hon. Alvin Belarde of Tanay Rizal
Sino ba ang taga-tanay na hindi nakakakilala kay Kagawad, Alvin “Kabayan” Belarde ng Barangay Tandang kutyo, Tanay, Rizal? Isa siya sa kilalang personalidad sa bayan ng Tanay, Rizal. Kakaiba ang kasikitan niya kahit hindi siya mapera di katulad ng iba, pero ang paggalang at pagmamahal ng taong bayan sa kanya ay lubos na umaapaw. Maniniwala ba kayo na nagsimula siya bilang isang bigmack worker to gasoline boy ng Flying V, service crew ng Jollibee, Goldilocks staff to PLDT Janitor, marahil lahat na yata ng klase ng trabaho ay napasukan na niya pero masaya parin siya sa mga nangyari sa kanya, nakapag-aral siya sa Kursong Journalism, 3 years and a half, dahil isa siya sa scholar ng brigada Syete.
Ngayon maraming nagtatanong paano ba nakilala si Kabayan, Alvin Belarde? Bakit kabayan ang tawag sa kanya? Uhm.. Yan din ang mga katanungan na pumasok sa isip ko simula ng makilala ko si Kagawad, Alvin “Kabayan” Belarde, nakakasama ko siya sa mga lakad naming madalas magpipinsan, nagugulat nalang ako dahil halos lahat ng makasalubong namin sa daan binabati siya.
Sports commentator siya noon sa mga liga ng basketball sa Tanay, Rizal, siya ang mata ng mga tao tuwing may liga, hindi man niya natapos ang kursong journalism, magaling at propesyonal ang pagiging sports commentator niya na talagang hinahangaan , at dahil napapadalas na ang paglabas niya sa mga liga binigyan na siya ng alyas ng Isa sa mataas na technical staff, bilang si “Kabayan” ito na ang ginamit niyang screen name niya since year 2000, at dahil sa tuloy-tuloy na pagkilala sa kanya ng mga tao naging DJ din siya sa local FM Radio Station sa Tanay, Rizal, at noong taong 2002 tumakbo siya sa pagka-kagawad ng Barangay Tandang kutyo, Tanay, Rizal, hindi man siya Pinalad manalo, makalipas ang limang taon na halal din siya bilang kagawad ng Barangay Tandang kutyo.
Sa pag-uusap namin iisa lang ang nasabi niya:
“Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko sa lahat ng tagumpay na nararansan ko ang Diyos ang aking tagumpay wala ng iba”- Kagawad Alvin “Kabayan” Belarde.
Isipin ninyo nalang si Kabayan, Alvin Belarde. Walang halos kamag-anak, walang pera, Pero may mga taong nagmamahal sa kanya, Simula sa mababa napunta na sa tagumpay. At ngayon bukod sa pagiging Kagawad niya sa Barangay Tandang Kutyo, Isa rin siya sa head of Committee on finance and appropriation ng barangay tandang kutyo at siya rin ang Director ng Philippine Jaycess Internantional (Tanay, Rizal Chapter).
Sana ay mag silbing inspirasyon sa inyo si Kabayan Alvin Belarde, isang makapagkumbaba at maka-diyos na Tao.